Thursday, January 3, 2008

tambayan

/tambáyan/ n. lugar na palaging pinupuntahan ng isang tao para makipagsocialize o magpalipas ng oras

v. puntahan palagi

  • "Eto na yung pinaka disenteng lugar na nakita naming pwedeng tambayan." -boyhalohalo.blogspot.com (11/12/07)
  • "Naalala ko na may counter para sa mga iiwang bag ang main library. Bitbit ang suwail na step-in, pumunta ako sa counter na tinatambayan ni manong. Kinapalan ko na ang mukha ko. Tinanong ko kung kaya ba niyang ayusin yung step-in ko." -eyeneni.blogspot.com (1/19/07)
  • "Iisa-isahin at babalikan ko ang mga lugar na aking nilakaran, inistambayan, dinispleyan at iniwasan." -geocities.com/ahsaainc/theway.html
  • "May sariling business si kuya Jojo at may munting opisina na madalas kong istambayan pag walang pasok." -kuwentutans.blogspot.com (10/3/06)

Pinagmulan: English = standby + -an
Kasingkahulugan: hangout, pugad
Variation: istambayan (4,530), stambayan (129), estambayan (64)
Gamit:

Huling edit: 1/3/08

Wednesday, January 2, 2008

kulangot

/kulángot/ n. 1) Tagalog natuyong sipon; 2) Igorot-slang tawag sa 'sundot-kulangot', isang uri ng kakanin ng Baguio [1, 2]; 3) slang isang tao o bagay

  • 1) "Nung nagtatanggal ako ng kulangot sa opis, tinitingnan ako 'nung kasama ko. Curious yata sa ginagawa ko. Akala ko talaga pagtatawanan ako. Ayun, kumuha din ng panyo at ginaya ako gamit ang kamay nya." -crazymisty.blogspot.com (5/11/06)
  • 2) "Ngayon alam mo na pangalan nun kesa kulangot ang itawag mo! Mas masarap yun kainin pag di mo tatawagin ng kulangot." -praning.com/forums (12/14/04)
  • 3) "Wag nyo ibaba level nyo sa tulad nya. Isa lang sya sa mga kulangot na hindi marunong umintindi nang sitwasyon." -tuksoil.deviantart.com (12/19/06)
  • "Mga kulangot kayo! Walang aalis papakalunod tayo sa alak!" -rakista.com (10/30/06)
v. 1) maglinis ng loob ng ilong; 2) magkaroon ng kulangot; 3) slang kumain ng kakanin na kulangot

  • 1) "Oo. Totoo na kung minsan kung nangungulangot ka e dudugo ang ilong mo kasi nasusugat ito." -greenpinoy.com (6/21/07)
  • 2) "Di ko din kaya yan! Nagkakulangot nga ako kababasa! di ko pa din maintindihan!" -tristancafe.com/forum (12/18/06)

adj. laging may kulangot

  • "Naku wala akong sakit na ganun batang kulangutin. Anong response mo dun sa nakapost? -network54.com/Forum (7/1/06)
Kasingkahulugan: n. 1) uhog, dumi; 2) kakanin; 3) engot; v. 1) kutkut; adj. uhugin
Variation: kolangot (16); kulangut (795); kolangot (104)
Gamit:

Huling edit: 1/3/08

Tuesday, January 1, 2008

kurap (corrupt)

/kuráp/ adj. walang integridad

  • "Mahirap pagkatiwalaan ang isang kurap na katulad niya." -ellentordesillas.com (4/9/07)
  • Kailan pa tayo mahahango sa mga kurap na gobyerno at mga manlolokong Presidente." -duckyparedes.com (11/16/04)
  • "Kung korap ang mamamayan dahil sa pagsira ng kanilang values tiyak ang pamahalaang kanyang itinayo ay korap din. Bahagi ang mamamayan sa paghubog ng kanyang pamahalaan at ng kanyang lipunan." -philippines-forums.com (1/30/05)
n. slang tiwaling pulitiko, empleyado o tao
  • "May dalawang uri ng manloloko o korap, yung mga bigtime at yung mga fixers." -bobongbooks.com (?)

Pinagmulan: English = corrupt
Kasingkahulugan: adj. immoral, tiwali; n. pulitiko
Kasalungat: adj. mabuti
Variation: korap (833)
Gamit:

Huling edit: 1/1/07

gobyerno

/gobyérno/ n. 1) ang pampulitikang kontrol na ginagamit sa mga myembro, mamamayan o naninirahan ng komunidad, sosyodad at estado; 2) ang porma o sistema na kumokontrol sa estado, komunidad atbp.; 3) direksyon, kontrol
  • 1) "At upang higit na maging epektibo ang housing at anti-poverty initiatives ng gobyerno, tinulungan natin ang mga local government units na matapos ang kani-kanilang mga Comprehensive Land Use Plans at Comprehensive Shelter Plans." -bayan-natin.blogspot.com (1/1/08)
  • 2) "Bilang isang Pilipino, nakakalungkot makita na ang bansang Pilipinas, na nakilala sa kasaysayan na kauna-unahang nagbukas ng demokrasya sa buong Asya, ay hindi pa nakakaahon sa pagtatayo ng mga institusyon ng isang demokratikong gobyerno magpa-hanggang ngayon." -doycinco.blogspot.com (4/8/07)
  • 3) "Walang sense na pati komunista idamay mo sa tax drama. May sarili silang gobyerno. Hindi sila kasali sa game natin." -quezon.ph (7/13/05)
Pinagmulan: Spanish = govierno
Kasingkahulugan: n. 1) pamahalaan; 2) pamahalaan; 3) direksyon, kontrol
Kasalungat: n. 1) mamamayan; 2) mamamayan; 3) guide
Variation: gubyerno (7,400), goberment English = government (29)
Gamit:
Huling edit: 1/1/07

ismagol

/ismágol/ n. 1) Bisaya-slang tsinelas na goma [1, 2, 3]; 2) ang pagpuslit ng isang bagay (variation: ismagel)
  • 1) "Kaya sa baybayin ay naglipana ang mga bahay ng mga kaklase kong mga Muslim na ang hanapbuhay ay pangingisda at paglalako ng kung anu-ano. May sariling bokabularyo pati sila sa paninda. Sigarilyo sa ilong (Vicks inhaler), ismagol (tsinelas), salongbola (brief), antipara sa suso (bra)." -garygranada.com
  • 2) "Mitestigo si Mayberry tungod kay dili malad-ok sa iyang ginhawaan ang pagpangidnap ug pag-ismagol sa First Kuwaiti sa mga mamumuong Pilipino." -philippinerevolution.net (8/7/07)

adj. 1) tsinelas na ismagol; 2) bagay na ipinuslit (variation: ismagel)

  • 1) "Indi pa uso ang ismagol nga tsinelas sang tiempo ko." -sabong.net.ph (9/4/07)
  • 2) "Nyak. Ismagol yang WC mo." -prochaosguild.com (4/26/06)
  • "Ito ang mga karagatang daungan ng mga barkong nagkakarga ng mga drugang isinuksok sa loob ng bangus at tilapia, ng mga hinuling piranha at ilegal na itinitinda sa mga may obsesyson sa aliw ng akwaryum, ng mga ismagel na alahas – singsing, relos, kuwintas, pulseras, mulang Taiwan hanggang Malaysia, mga piniratang shampoo at toothpaste, cd at dvd; tipanan ng mga pribadong bangkang de-motor ng mga sindikato, ng mga ahente ng mama san na nagpaparekrut ng mga dalaga." -wintonlouynion.blogspot.com (8/26/07)
  • "Tama ba ang kanilang ginawang pag-wasak ng mga sasakyang inismagel ng ilang mga tao?" -duckyparedes.com (8/21/07)

v. 1) magpuslit ng isang bagay (variation: ismagol); 2) ipuslit ang isang bagay (variation: ismagol)

  • 1) "Kaya naman marami ang ‘di makapaniwalang nakakalusot ang mga nag-iismagel ng langis sa Port of Subic. Napakaliit na lugar nito kumpara noon na buong Pilipinas ang kanyang hawak." -subicbaynews.blogspot.com (9/3/07)
  • 2) "Grabe 'no pati pala coins iniismagol na rin." -s3.invisionfree.com (7/10/06)

Pinagmulan: English = smuggle
Kasingkahulugan: n. 1) tsinelas, istepin; 2) pagpuslit; adj. kontrabando, inismagel; v. 1) mag-ismagol, 2) iismagol
Kasalungat: n. bakya, alpombra; adj. imported, inimport, state-side; v. 1) mag-import, mag-export, 2) iimport, i-export
Variation: ismagul (33), ismagel (8)
Gamit:

Huling edit: 1/3/08

rabuz

/rabúz/ n. 1) Bikol-slang isang grupo na responsable sa pagpapaganda sa isang zona [1]; 2) boluntaryong pagtutulong-tulong [2]
  • 1) "Strangers Again (Cinema) reminds me of our summer youth camps in 4H Club at DA-Bikol. Pati mga rabuz na yan. Aw very barriotic ko talaga 'ne. Di bale, I am proud just the same." -joybeth25.blogspot.com (7/15/07)
adj. Bikol-slang related sa grupo na responsable sa pagpapaganda sa isang zona
Pinagmulan: English = robust (adj. malakas at malusog)
Kasingkahulugan: 2) bayanihan, brigada
Kasalungat: 2) tambay
Variation: rabus
Gamit:

Huling edit: 1/1/08

Monday, December 31, 2007

rekoberi

/rekóberí/ n. 1) ang proseso ng pagrerekober; 2) ang pagbawi o pagkuha ng isang bagay na nawala o kinuha; 3) ang panunumbalik sa dati o normal na estado o kondisyon

Pinagmulan: English = recovery
Kasingkahulugan: 1) pagrekober, pagbawi, pagkuha; 2) pagkakarekober, pagkakabawi, pagkakakuha; 3) panunumbalik, pagbabalik

  • 1) "Sa pagrekober ng limang "luxury vehicles" sa Angeles City, kinakailangan na i-monitor ng Pulisya ang mga "used car dealers" sa lungsod at maging sa City of San Fernando kung saan karamihan sa mga "used car dealers" dito ay marami din naka-display na mamahaling behikulo." -sunstar.com.ph (3/8/07)
  • 2) "Wala namang naiulat na napinsala sa panig ng tropa ng pamahalaan kasabay nito’y ang pagkakarekober ng isang Garand rifle mula sa mga bandido." -madivinereyes.wordpress.com (10/9/07)
  • 3) "Naaawa ako sa kanila dahil mabagal ang pag-usad ng pag-rekober ng lungsod mula sa kinasasadlakang delubyo nito." -berniemack.i.ph (11/12/05)
Kasalungat: 1) pagwala, pagbigay; 2) pagkakawala, pagkakabigay; 3) paglala, paglubha, paggrabe
Variation: rekoveri, rekaberi
Gamit:
Huling edit: 12/31/07