/rekóberí/ n. 1) ang proseso ng pagrerekober; 2) ang pagbawi o pagkuha ng isang bagay na nawala o kinuha; 3) ang panunumbalik sa dati o normal na estado o kondisyon
- 3) "Panalangin para sa maagap na rekoberi ni Ka Rene" -ellentordesillas.com (11/8/07)
Pinagmulan: English = recovery
Kasingkahulugan: 1) pagrekober, pagbawi, pagkuha; 2) pagkakarekober, pagkakabawi, pagkakakuha; 3) panunumbalik, pagbabalik
- 1) "Sa pagrekober ng limang "luxury vehicles" sa Angeles City, kinakailangan na i-monitor ng Pulisya ang mga "used car dealers" sa lungsod at maging sa City of San Fernando kung saan karamihan sa mga "used car dealers" dito ay marami din naka-display na mamahaling behikulo." -sunstar.com.ph (3/8/07)
- 2) "Wala namang naiulat na napinsala sa panig ng tropa ng pamahalaan kasabay nito’y ang pagkakarekober ng isang Garand rifle mula sa mga bandido." -madivinereyes.wordpress.com (10/9/07)
- 3) "Naaawa ako sa kanila dahil mabagal ang pag-usad ng pag-rekober ng lungsod mula sa kinasasadlakang delubyo nito." -berniemack.i.ph (11/12/05)
Kasalungat: 1) pagwala, pagbigay; 2) pagkakawala, pagkakabigay; 3) paglala, paglubha, paggrabe
Variation: rekoveri, rekaberi
Gamit:
Variation: rekoveri, rekaberi
Gamit:
- pagrerekober (4), pagrerecover~pagre-recover (17)
Huling edit: 12/31/07
1 comment:
Okay ah meron pala neto pinoy diksyonaryo.magaling!!! sakit.info
Post a Comment