/tambáyan/ n. lugar na palaging pinupuntahan ng isang tao para makipagsocialize o magpalipas ng oras
- "Matatagpuan ang tambayan ng UP Lakan sa South Wing ng Main Library (Gonzalez Hall), UP Diliman, Lunsod Quezon. -multiply.com/journal (11/25/07)
- "Nagmistulang tambayan ng mga bagyo ang Pinas nitong mga nakaraang araw." -angmundosaakingpananaw.blogspot.com (11/26/07)
- "Sabi sa librong Lonely Planet, may istambayan daw noon ang mga intelihenteng Pranses na ito dito sa mayamang distrito ng Paris na kung tawagin ay Place Saint-Germain des Prés" -http://pinas2paris.blogspot.com/2007/11/caf-saint-germain-des-prs.html (11/1/07)
v. puntahan palagi
- "Eto na yung pinaka disenteng lugar na nakita naming pwedeng tambayan." -boyhalohalo.blogspot.com (11/12/07)
- "Naalala ko na may counter para sa mga iiwang bag ang main library. Bitbit ang suwail na step-in, pumunta ako sa counter na tinatambayan ni manong. Kinapalan ko na ang mukha ko. Tinanong ko kung kaya ba niyang ayusin yung step-in ko." -eyeneni.blogspot.com (1/19/07)
- "Iisa-isahin at babalikan ko ang mga lugar na aking nilakaran, inistambayan, dinispleyan at iniwasan." -geocities.com/ahsaainc/theway.html
- "May sariling business si kuya Jojo at may munting opisina na madalas kong istambayan pag walang pasok." -kuwentutans.blogspot.com (10/3/06)
Pinagmulan: English = standby + -an
Kasingkahulugan: hangout, pugad
Variation: istambayan (4,530), stambayan (129), estambayan (64)
Gamit:
- n., v. tambayan (888,000)
- v. tinatambayan (2,460)
- tinambayan (439); inistambayan (3)
Huling edit: 1/3/08
2 comments:
nice blog! how do i get people read my blog? how do i advertise it on yahoo and google? please help me, i am a newbie at blogging! t.y
gianonline.blogspot.com
nice bllog.
ganda naman.
xchange links pls.
thanx
http://deathbyporno.sensualwriter.com
Post a Comment