Friday, December 28, 2007

rekober

/rekóber/ v. 1) mabawi o makuha ang isang bagay na nawala o kinuha, o armas hal. kinarnap na kotse, balisong; 2) maibalik ang normal o dating estado o kondisyon hal. lamang laban sa kabilang team, sigla ng katawan; 3) makabalik sa normal o dating estado o kondisyon hal. ng kalusugan mula sa pagkakaroon ng trangkaso o ng pamumuhay mula sa nakalipas ng bagyo
  • 1) "Sa follow-up operations sa sakop [ng] San Francisco PNP, naka-rekober [ng] isang [itim na] motorsiklo[ng] Lifan Single Motorcycle (habal-habal) [na] [walang] Plate Number, [at] may engine number 161FMJ4154919 [at] chassis number LF-3PCK0054D02." -periodicosurigao.blogspot.com (8/17/07)
  • Ang rookie mentor ng Dolphins na si Joel Dualan ay walang ibang iniisip naman kundi rekoberin ang titulo na una’t tanging hawak nila noong 2004. -abante-tonite.com (9/18/06)
  • 2) "Huli na para maka-rekober pa si Chad sa depensa at walang kahirap-hirap na idinakdak ni Warren ang bola sa ring. Sa lakas nito’y uugoy-ugoy pa ang backboard na animo’y niyanig ng lindol. -tristancafe.com (7/14/07)
  • 3) "Ipinahayag naman ni Dr. Michael Te ng PGH na hindi naka-rekober si Escobido matapos atakehin sa puso." -abante-tonite.com (1/11/06)

Pinagmulan: English = recover
Kasingkahulugan: 1) bawi, kuha; samsam; 2) balik; 3) buti, ayos
Kasalungat: 1) wala, bigay; puslit 2-3) tuloy, lala
Variation: rekober (244), rekover (3), rikober (1), rekaber (1)
Gamit:

Huling edit: 12/31/07

No comments: