Friday, December 28, 2007

gurang

/guráng/ adj. 1) napaglipasan na ng panahon; 2) nagpapakita ng characteristics ng kalumaan o katandaan; 3) nakakatanda o una sa taon o edad; 4) Bikol tumutukoy sa nakaraan panahon
  • 1) "Yung isa namang band, medyo gurang na yung music kaya hindi namin maappreciate." -kanipan.livejournal.com (10/2/06)
  • 2) "Pramis din namin sa isat isa na di mawawala yung spark kahit gurang na kami at maghahalikan pa rin kahit wala na kaming ipin." -einnoc.wordpress.com (11/21/07)
  • 3) "Yung mga teacher na kasama namin sa bus gustong manood ng PBA pero nanaig ang mga estudyante at napanood namin ang laban nina Freeza at Gokou. Natulog na lang yung mga gurang na teacher. Di sila nakapanood ng PBA eh. -mapuaownage.com/forums (2/28/07)
  • "Tatapatan nito ang mga gurang na na mga blag sayts. 'Yon nga lang, medyo intermediate level ka na dapat para makagawa ka ng magandang i.ph blag." -sidhi.i.ph (6/27/07)
n. 1) isang matandang tao; 2) slang negatibo o pabirong tawag sa isang taong ikinocompare o kakikitaan ng characteristics ng isang matanda; 3) Bikol nakakatanda o una sa taon o edad
  • 1) "Panay encourage ng gov’t na mag-private pension daw ang mga tao. Unfair kung tutuusin dahil yung mga gurang dito plus mga asylum seekers kasama na mga teroristang dito nakatira, supported ng tax ko." -kwentongtambay.com (4/17/07)
  • 2) "Snake talaga ang ugali ni gurang... di mapakali pag di naki alam." -timog.com/forum (7/27/07)

Pinagmulan: Bikol = gurang
Kasingkahulugan: adj. 1) luma, matanda; 2) luma, matanda; 3) senior; 4) makaluma; n. 1) matanda, lolo, lola; 2) matanda, forgets; 3) senior
Kasalungat: adj. 1) bago, bata; 2) bago, bata; 3) junyor, junior; 4) bago; n. 1) bata; 2) slang junyor, junior; 3) bata, bagets
Variation: gorang (8)
Gamit:

Huling edit: 12/31/07

No comments: