Friday, December 28, 2007

charge

/tsarj/ n. 1) ang presyong hinihingi para sa isang bagay; 2) akusasyon; 3) karga ng kuryente; 4) slang laman ng tiyan, tulog o pahinga


  • 1) "Lahat ng hotel, iisa lang ang charge sa tawag. NDD man o IDD, iisa lang." -inso-mia-c.blogspot.com (11/2/07)
  • "Magkano ang charge nyo sa excess baggage?" -acer3naprick.blogspot.com (12/25/06)
  • 2) "Gusto ko pong questionin ang pagkakaterminate sa akin ng CFAD administration nang walang malinaw o konkretong proseso. Ano ang charge nila sa akin?" -markrams.multiply.com (6/18/07)
  • 3) "Yung charge nga pala nyan kapag cruising ka nang 2 hours e di pa mauubos yan. Malalaman mo na low-batt ka na kapag nag-busina ka e mahina na yung pot-pot sound nya." -motorcyclephilippines.com/forums (12/21/06)
  • "Oo nga pala, yung cellfone ko, walang charge. Habang nag-cha-charge, nag-check ako ng email." -timog.com/forum (10/9/06)
  • 4) "Kung kahapon hyper ka, ngayon parang wala kang charge." -diksyu.blogspot.com

v. 1) magbigay o humingi bilang kabayaran; 2) bigyan o hingian ang isang tao ng bayad; 3) magsampa ng kaso o reklamo hal. libelo ; 4) magkarga ng kuryente hal. sa battery ng cellphone; 5) magbigay ng kapangyarihan o responsibilidad; 6) slang kumain, matulog o magpahinga

  • 1) "Wahaha! Di kasi chinarge yung ice cream. 105 din yun. Saraaap ng libre" -greaseless.multiply.com (10/15/07)
  • 2) "Backpay [ang] perang nakukuha mo 'pag natapos na ang kontrata mo. Minsan matagal 'tong makuha, aabutin ng isang buwan, dalawa, tatlo hanggang sa marealize mo na wala ka palang backpay dahil ichinarge sa 'yo ang mga nasira mong equipment at utang mo nu'ng nagtatrabaho ka pa." -akosiicko.blogspot.com (11/9/07)
  • "Isama mo ang pakner mo sa halo-halo chit at magmeryenda muna kayung 2. Tsarge sa sueldo ni kb Al-atrash. Hindi nila masisingil yun kasi laging nasa loob eh." -sabong.net.ph/forum (3/9/06)
  • 3) "Paano siya lalaban sa loob kung ayaw siyang paattendin ng Senate session ng kanilang court martial kahit na wala pang kasong ichinacharge sa kanila? -ederic.tinig.com (11/30/07)
  • 4) "Oo nga pala, yung cellfone ko, walang charge. Habang nag-cha-charge, nag-check ako ng email." -timog.com/forum (10/9/06)
  • "Teks tayu maya ah. Magload ka at magtsarj!" -profile.myspace.com (11/5/07)
  • 5) "Aba, may thread ka pala dito sis Chu! Itsa-charge mo ba yung nagpapaturo sa iyong magluto? " -pinoyforum.com (11/1/03)
  • "Eh papano ko ba naman ito sisimulang i tsarge eh di pa nga nya nata try at nagtatanong ng recipe ala naman palang pakwan sa lugar nila!" -pinoyforum.com (11/4/03)
  • 6) "Sige bye bye na ako. Charge muna. Kulang sa tulog eh." -forums.mukamo.com (8/13/06)
  • "Aantok ako grabe!!! Charge muna ako... tas mamaya manggugulo ako ulit sa guild" -google.com~forums.mobiusgames.net (unknown)
  • "...para makapag-rest at macharge yung brains namin para makaperform well..." -timeless-eternity.blogspot.com (3/20/07)

Pinagmulan: English = charge
Kasingkahulugan: n. 1) singil; 2) kaso; 3) karga, battery; 4) pagkain, tulog, pahinga; v. 1) bayad, singil; 2) bayad, singil; 3) kaso; 4) karga; 5) gawad; 6) kain, tulog o pahinga
Kasalungat: n. 1) utang, kikil; 2) pribelehiyo; 3) bawas, gasta; 4) gutom, puyat, pagod; v. 1) utang, kikil; 2) utang, kikil; 3) pribelehiyo; 4) bawas, gasta; 5) akò; 6) gutom, puyat o pagod
Variation: tsarj, tsarge
Gamit:

Huling edit: 1/1/08

No comments: